Arts Research and Training Institute in Southern Tagalog, Incorporated
20th PARAGOS Performance Season
Ang Puhunan at Ang Pantas (Agosto 2013)
Binubuo ito ng dalawang dula na nauukol sa kabayanihan.
Ang unang dula na pinamagatang “Ang Puhunan” ay nauukol kay Andres Bonifacio bilang alagad ng sining, intelektwal at lider-mandirigma. Ang pagpapalabas nito’y kaugnay sa pagdiriwang ng ika-150 taon ng kapanganakan ni Bonifacio.
Abala sa pagbubuo ng mga pangkat pantanghalan si Andres. Dahil sa paanyaya ng dalawang nagkakagalit na pangkat, paroon sa isang lalawigan si Andres. Sa saliw ng makabagong awitin, mamamagitan sa alitan si Andres. Sa huli, magkakasundo ang magkagalit na pangkat at si Andres ang kaiinggitan. Magtatangkang magbuo ng panibagong pangkat panteatro si Andres. Ngunit huhulihin siya at pararatangan na naghahasik ng gulo sa mga mandudula.
Ang ikalawang dula naman na pinamagatang “Ang Pantas” ay nauukol sa mga kinikilalang lider ng iba’t-ibang sektor na naging biktima ng karahasan ng Batas Militar. Ang pagpapalabas nito ay kaugnay sa ipatutupad na kurso ng CHED ukol sa paglabag sa mga karapatang-pantao na naganap noong panahon ng Batas Militar.
Limang pantas ang masasaksihan sa tanghalan – isang manggagamot, isang lider ng katutubong pangkat, isang pari, isang peryodista at isang abogado. Ang bawat isa’y magpapamalas ng kani-kanilang tungkulin sa lipunan at mga sinumpaang tungkulin sa
piniling propesyon. Makalalasap ng iba’t-ibang paglabag sa karapatang-pantao ang bawat isa sa mga nabanggit na tauhan.